Matagal tagal na rin ang hindi ko pagbablag! Blag talaga. Kadalasan naman na blag ko kapag may nangyayaring makabuluhan sa buhay ko e o yung mga tipong nakapanghihina ng loob. Katulad ng pagkuha ko sa ARC ko. Aba ewan, di ko alam kung ikatutuwa ko ba o ikalulungkot na wala nga akong PTC pero 3 naman ang line of 7 ko. Last quarter may 1 akong PTC pero 2 lang naman ang line of 7. Apat nga ata e.
Eto pa. Nagalit samin ang Teacher/Adviser namin. I know it’s our fault kasi hindi nga namin binasa yung manuscript. Yun nga. Nakapanghihina lang. Fieldtrip pa. Wala namang kwenta. Sana maayos na yung mga gulo. Ang dami na kasi e. Isa-isahin natin. Inuna natin si Ms. Yves, sumunod si Sir JM followed by Sir Iean and the most recent was Sir Dan. Siya pa! Ang bait bait nun e. Yung tipong walang magawa sa buhay kung hindi asarin ako. Pero okay lang kasi nakababawi naman ako sa kanya. Galit na siya ngayon. Grrr!
Narinig niyo yon? Sabi niya? Ng Adviser natin. “LDS, You’ve become rude this past few weeks”. Bastos naman kasi talaga. Lumagay naman kasi sa tamang kalalagyan. Oo, mabait. Pero pag sa klase umiwas iwas naman sa mga side comments. Ang ingay kasi e. Sakit sa tenga! Magsasalita lang si Basilio magrereact na kayo? Siya nalang ba buhay niyo? Nakakaasar naman kasi talaga. Parang di kayo makakasurvive ng Seton nang hindi siya pinapansin e. Tinatawag niyo siyang abnormal pero what seems to be normal about you? Wala rin diba? Sa ginagawa mong yan. Abnormal ka rin. Natutuwa ka sa bagay na wala namang katuturan. Sinasabi niyong bakla siya? Bakit bakla ka rin? Inagawan ka ba niya ng lalaki? Hindi naman diba? My point is, bakla man si Basilio o hindi, abnormal man yan, wala namang ginawa sayong masama yan. E yung mga may-ari nga ng mga quizzes na hindi niya pinasa e hindi naman ganyan ang trato sa kanya bakit kayo ganyan? Insecure? Kasi kaya niya magpaka abnormal sa klase. Kaya niya magpaka normal? O ineemphasize niyo lang na abnormal siya para matabunan ang pagka abnormal niyo? Grow-up Guys, Di na nakatutuwa. Di niyo maiaangat ang sarili nyo sa ginagawa niyo. Napagdaanan ko na yan. I don’t regret it. Pero Seniors na kayo e. Mas matindi pa kayo sa mga Gradeschool. Grow up!